"Magaling sa wika ang mga Pilipino"
Ito ang pininagmamalaking pahayag ni Dr. Prospero Covar na itinuturing na Haligi ng Kulturang Pilipino sa ginanap na kumperensiya sa bulwagan ng Bureau of Food and Drug (BFAD), Energy Park, Tagum City noong Oktobre 7, 2011.
Dr. Prospero Covar |
Binanggit ni Dr. Covar, retiradong guro sa Antopolohiya ng Pamantasan ng Pilipinas na kayang mag-aral ng ibang wika sa maikling panahon lamang ang mga Pilipino samantala ang ibang lahi ay hirap mag-aral ng wika ng ibang bansa.
Idinagdag pa ni Dr. Covar na ang wika ay behiko ng kultura upang ipakilala na buhay at napakayaman ng kulturang Pilipino na dapat makilala, ipagmalaki at panatilihin para sa mga kabataan at susunod na henerasyon.
Ang naturang panayam na dinaluhan ng mga lokal na mamamahayag ay bahagi ng mga aktibidad sa isinasagawang Dayaw Festival 2011 na may temang: Paghabi ng ating Pagkakatulad Tungo sa Kapayapaan.
Sa naturang pagtitipon, naisalaysay ni Dr. Covar ang mga sinauna at mga katutubong Pilipino bago pa man tayo nasakop ng mga banyaga: kung saan maari sila nanggaling; ang kanilang maaring pagkakahawig at kung ang kanilang lahi ba ay nabubuhay pa hanggang sa ngayon.
Ipinakikilala rin ni Dr. Covar sa kanyang panayam ang ilan sa pagkakailanlan ng mga Pilipino. Pilipino ka kapag nagbibilang ka mula sa hinliliit ng iyong daliri, kung sinusutsutan mo ang kakilalang gustong tawagin ang kanilang pansin at kung hindi nawawala ang kanin bilang bahagi ng pagkain.
Sa pamamagitan ng ganitong mga pambihirang pagkakataon na naranasan ng mga Tagumenyo bilang punong abala, lalong nabuksan ang isip at napataas ang pagkakilala ng mga mamamayan sa ating mga kalahing katutubo: ang kanilang makukulay na kasuotan, mga ritwal, pagkain, sayaw, paniniwala, laro, tahanan at iba pa na pawang itinanghal sa tatlong araw na kapistahan. text by Luz Condor
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento